Sapat na raw ang basbas mula sa gobyerno ng China para gamitin ang bakuna na gawa ng Sinopharm laban sa coronavirus disease.
Ito ang naging paliwanag ni COVID-19 national policy chief implementer at vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr makaraang ilantad ni Pangulong Rodrigo Duterte na ginamit umano ang nasabing bakuna sa mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG).
Paliwanag ng kalihim na para raw m awala ang misconception ng tao sa Chinese vaccine ay noong Enero ng nakaraang taon ay inaprubahan ng China ang Emergency Use Approval (EUA) para magamit ng publiko ang Sinopharm vaccine.
Dalawa aniya ang ginagawa ng China, una ay ang tinatawag na emergency authorization na limitado lamang ang gamit habang ang ikalawa naman ay emergency utilization para sa general use.
Bukod dito ay nasa 100 bakuna na raw ang tinitingnan ng gobyerno kung saan ilan dito ay malapit na sa phase 3 trials kabilang na ang Sinovac, Sinopharm, AstraZenera at Pfizer.