Nagsagawa ng pag-review ang House Committee on Appropriations sa budget ng Department of Health (DOH) kabilang ang pagtugon sa mga isyu sa pagpopondo sa bakuna, kahapon, Miyerkulesm May 29,2024.
Ito ay batay sa inisyatiba ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co, na siyang chairman ng House Committee on Appropriations.
Layon ng pagdinig ay para suriin ang budgetary performance ng Department of Health (DOH) para sa Fiscal Year (FY) 2023 at first quarter ng 2024, upang matiyak na sumusunod ang ahensiya sa mga requirements sa epektibong pag utilize ng pampublikong pondo batay sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) sa 1987 Constitution.
Ayon kay Senior committee vice-chairperson at Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo batay sa 2022 audit report ng Commission on Audit (COA), nabaiti na nagkaroon ng mga isyu sa DOH kabilang na dito ang unutilized funds, mishandled inventories, at inefficiencies sa vaccine distribution at implementasyon ng health program.
Paliwanag ni DOH Undersecretary Achilles Gerard Bravo sa 2023 GAA, ang ahensiya ay nakapag allot ng P229.7 billion at nasa P25.22 billion nuong 2022 sa ilalim ng continuing appropriations (CONAP).
Mula sa budget na ito, mayroong unobligated allotment na P20.88 billion, obligation rate na 92 percent, at disbursement rate na 80 percent.
Noong Marso 31, 2024, ang kabuuang allotment ng DOH ay P256.01 bilyon. Mula sa halagang iyon, P58.64 bilyon o 23 porsiyento ang na-obliga at P31.28 bilyon o 53 porsiyento ang nabayaran o na-disburse.
Siniguro naman ni Bravo sa appropriations panel na ang unutilize budgets ay kanilang ilalaan para sa bagong Covid vaccines at sa iba pang health response program ng gobyerno.
Siniguro naman OIIC Assistant Secretary Dr. Albert Edralin Domingo ang kahandaan ng ahensiya sa pagtugon sa bagong Covid variant na FLIRT.
Kapwa inamin nina Bravo at Domingo ang mababang utilization sa paggasta ng ahensiya.