-- Advertisements --

Tiniyak ni House Appropriation Chairman, Rep. Mikaela Suansing na walang pork barrel funds sa ilalim ng 2026 General Appropriations Bill (GAB).

Ayon kay Suansing,  wala ng pondo ang naka insert sa pambansang budget.

Ipinaliwanag din nito na walang hurisdiksyon ang Kamara sa mga pondo na ibinigay sa DSWD, DOLE at DOH lalo na sa mga ayuda na ibinibigay para sa ating mga kababayan, gaya ng AICS, MAIP at Tupad.

Sinabi ni Suansing sa sandaling ma download sa mga ahensiya ang pondo para sa naturang programa ang mga concerned agencies na ang bahala dito para maipatupad ng maayos ang mga programa.

Siniguro ni Suansing na sisiguraduhin ng Kamara na walang pork barrel funds pambansang budget.

Kung maalala tinutulan ng minorya sa Kamara ang umano’y pag pondo sa unprogrammed appropriations sa pambansang budget ay nagsisilbing pork barrel funds.