-- Advertisements --

Nakikipag-ugnayan na sa Department of Budget Management (DBM) si Appropriations Panel chair at Ako Bicol Partylist Representative Elizaldy Co para sa P2 billion na pondo na ibibigay sa mga apektadong rice retailers bunsod sa implementasyon ng price ceilings sa bigas.

Sa panayam kay Co kaniyang sinabi na okay naman ang DBM at mayruon namang available funds.

Nakausap din ni Co si DSWD Secretary Rex Gatchalian at kanilang napag-usapan ang isyu sa bigas na talagang may problema.

Binigyang-diin ni Co na kailangan na rin mabigyan ng subsidy o tulong ang mga retailers.

Sabi ng mambabatas na mahalaga na magkaroon ng price control para maiwasan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas.

Batid ng Kamara ang mga pangamba ng mga maliliit na rice retailers na malulugi sila dahil sa ipinapatupad na price caps.

Inihayag din ni Co na kanila din tinitignan na posible kukunin ang P2 billion na na subsidy para sa mga rice retailers sa mga unprogrammed funds.

Mayruon din pondo ang DSWD para dito.

Malinaw na ang mga maliliit na rice retailes sa National Capital Region (NCR) ang siyang magiging priority sa pagbibigay ng tulong.

Kahapon inutusan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang DTI, DA at DSWD na bumuo ng listahan para sa mga apektadong retailers, gaya nung mga nasa sari-sari store sa mga barangay at palenge at hindi kasama ang mga big time retailers.

Nilinaw naman ni Rep. Co na ang P2 billion na subsidy ay kanilang hiniling sa DBM na ma release at yung pondo na existing funds ng DSWD ay maaring gamitin at agad na maipamahagi sa mga apektadong retailers para agad matugunan ang problema.