-- Advertisements --
CALIFORNIA – Sibak sa trabaho ang isang empleyado ng Apple store sa California, matapos nitong i-forward sa kaniyang sariling cellphone ang ilang pribadong larawan ng kanilang costumer.
Nabatid na ipinaayos ni Gloria Fuentes ang kaniyang unit sa shop ng naturang kompaniya.
Pero dahil sa pagmamadali, ilang impormasyon at larawan ang hindi na nito nagawang matanggal bago ipa-repair ang nagkaproblemang smartphone.
Laking gulat umano niya nang matuklasan na nag-send ng pribadong larawan mula sa kaniyang gallery ang technician.
Agad itong isinumbong ni Fuentes sa kompaniya at mabilis namang nagkaroon ng internal investigation ang Apple, hanggang sa matuklasan ang paglabag sa privacy ng kanilang empleyado. (BBC)










