-- Advertisements --

Tanggap umano ng ilang kasama sa listahan na nai-tag ng AFP bilang mga NPA, ang paghingi ng paumanhin ng sandatahang lakas ng bansa dahil sa pagkakamali.

Ayon kay dating Health undersecretary at dating chief negotiator Atty. Alex Padilla, pagbibigyan na lang muna niya dahil bihirang pagkakataon lang naman humingi ng paumanhin ang militar.

Matatandaang nakatala sa record na isinapubliko ng AFP information exchange ang pangalan ni Padilla na umano’y UP student na namatay o nabihag.

Pero giit ng dating health official, buhay naman siya, hindi nabihag at lalong hindi miyembro ng NPA.

Maging si Atty. Rafael Angelo Aquino ng Free Legal Assistance Group (FLAG) ay nakasama rin sa naturang talaan at una nang nag-demand ng apology.

Hiling ng dalawang abogado sa AFP na maging maingat muna sa pag-double check ng mga impormasyon bago ito isapubliko.