-- Advertisements --

Muli na namang hindi pinayagan ng korte ang apela ni R. Kelly na makalabas sa kulungan dahil sa pangamba na mahawaan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 pandemic.

Ito na ang pangalawang beses na umapela ang singer sa korte na makalabas subalit hindi pa rin ito pinalad.

Bagamat sang-ayon ang federal judge na kumalat na ang sakit sa MCC Chicago ay wala pa ring ebidensya ang singer na ito ay madadapuan ng virus.

Nauna rito sinabi ng kaniyang abogado nasa panganib ang singer matapos na magpositibo sa coronavirus ang isa sa mga inmate kung saan nakapiit ang singer.