-- Advertisements --
Lalo pang lumawak ang mga lugar na apektado ng low pressure area (LPA) at habagat.
Ayon sa ulat ng Pagasa, malaking bahagi na ng Luzon at Visayas ang nakapagtala ng mga pag-ulan nitong nakalipas na oras.
Huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 180 km sa silangan ng Casiguran, Aurora.
Habang ang southwest monsoon naman ay naghahatid din ng ulan sa western section ng Central at Southern Luzon, pati na sa Visayas.
Inaalerto naman sa mga biglaang ulan ang Metro Manila, Western Visayas, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya.
Sa kasalukuyan, mababa pa rin ang tyansa ng LPA upang maging ganap na bagyo.