-- Advertisements --

Magbibigay ng mas maraming oportunidad para sa patuloy na paglago ng ekonomiya ng bansa ang pagdalo ni Pangulong Bongbong Marcos sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders Meeting sa Thailand.

Pagkakataon din ito na maibida ng Pangulo ang Pilipinas sa mga negosyante at mamumuhunan.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, malaking pagkakataon na maipakita ng Chief Executive sa APEC ang gumagandang lagay ng ekonomiya ng bansa lalo at mga developed countries ang kasama sa pulong.

Mahalaga din aniya sa mga ganitong pulong na makabuo ng mabuting relasyon sa ibang bansa upang maitulak ang interes ng Pilipinas sa pakikipagnegosyo at sa pamumuhunan.

Ang APEC ay isang inter-governmental forum na kinabibilangan ng 21 bansa sa Pacific Rim na nagsusulong ng free trade sa kabuuan ng Asia-Pacific Region.

Kabilang sa APEC Member States ang Australia, Brunei, Canada, Chile, China, Hong Kong, Indonesia, Japan, South Korea, Malaysia, Mexico, New Zealand, Papua New Guinea, Peru, Philippines, Russia, Singapore, Chinese Taipei, Thailand, the United States, at Vietnam.

Ipinunto ni Romualdez na ang ekonomiya ng bansa ay naging pandaigdigan, na magiging bentahe ito sa Pilipinas upang maisulong ang mas magandang kalakalan sa ibang mga bansa, na makakamit sa pamamagitan ng magandang kasunduan sa partner sa ekonomiya.

Kasama si Romualdez na Philippine delegation na magtutungo sa APEC Leaders’ Meeting.

“So I think now is the time to herald that the Philippines is doing well, its economy is doing well, and now is the time to invest in the Philippines so that we get more foreign direct investments for the capital that we need to generate more jobs for and livelihood for the Filipinos and to bring about a stronger and more vibrant economy so that all Filipinos have a safe and comfortable life,” pahayag ni Speaker Romualdez.