Tiniyak ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) na high quality security preparations ang inihanda ng security task force para sa nalalapit na Southeast Asian Games na magsisimula sa November 30 at magtatapos sa December 11.
Ayon kay PHISGOC Functional Area Director, retired General Gregorio Catapang naka pattern sa APEC at Pope visit ang seguridad na kanilang ipapatupad.
Layon nito para matiyak ang seguridad ng bawat atleta, technical official maging sa mga VIP, at mga opisyal na magsu-supervise sa lahat ng mga sport events.
Para naman sa mga manunuod ng mga laro dapat transparent bag ang kanilang dadalhin.
At huwag magdala ng mga ipinagbabawal na gamit.
Binigyang-diin din ni Catapang na magiging mahigpit sila sa capacity ng mga sports venue.
Inabisuhan na ng PHISGOC ang lahat ng mga ticketing booth na huwag mag isyu ng ticket na lagpas sa seating capacity.
Milyung expectators ang inaasahan ng PHISGOC sa ibat ibang sporting events kaya mahigpit ang ipapatupad na seguridad.