Bagaman walang nakikitang malaking problema ang Department of Energy sa supply ng enerhiya ngayong taon, posibleng makaranas pa rin ang bansa ng ilang mga Yellow Alert.
Sa katunayan, sinabi ng Kagawaran na hangang apat na Yellow Alert ang mararanasan ngayong Hulyo at sa kabuuang ng Agosto.
Isa ang posibleng mararanasan ngayong buwan habang tatlo naman ang maaaaring maranasan sa buong Agusto.
Bagaman maaaring magtatagal ito, nilinaw naman ng kagawaran na hindi ito magdudulot ng malawakang power outages.
Hinikayat naman ni Energy Usec. Rowena Guevarra ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente, lalo na ngayong panahon ng El Nino kung saan inaasahang tataas nanaman ang konsumo sa kuryente.
Ang Yellow Alert ay nangangahulugang napakababa ang power reserves at hindi nito kayang suplyan ang pinakamalalaking generating units ng bansa.