-- Advertisements --

ILOILO CITY – Dalawang linggong nasa state of calamity ang Antique Province dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng Dengue.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Antique Governor Rhodora Cadiao, sinabi nito umaabot na sa 1, 581 ang local dengue cases at pito naman ang namatay mula Enero hanggang Hulyo.

Ayon kay Cadiao, ang nasabing bilang ay 500% na mas mataas kung ihambing sa naitalang 224 na mga pasyente kabilang na ang dalawang namatay sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Anya, matapos inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Antique ang state of calamity, maari nang magamit ang Quick Response Fund para sa pagpigil sa pagtaas ng kaso ng dengue.

Gagamitin naman ang nasabing pondo para sa misting, indoor at outdoor spraying, pagbili ng larvicides, dengue test kits, oral rehydration salts at intravenous fluids.