-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagpatupad na rin ng mas mahigpit na protocols ang Antique Provincial Government kasunod nang paglobo ng delta variant ng COVID-19 na umabot sa 19.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Antique Governor Rhodora Cadiao, sinabi nito na bagamat isinasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) ang Antique, maihahambing sa Enhanced Community Qurantine ang kanilang pinapatupad na istriktong health protocols sa kasalukuyan.

Mahigpit ding ipinapatupad ang border control at may isinasagawa ring house to house COVID-19 vaccination.

Matandaan na noong Hulyo 5 nang ipinadala sa Philippine Genome Center ang hindi bababa sa 500 random specimen at 19 ang nadetect na delta variant ngunit nakarekober na ang mga ito.