-- Advertisements --

Lalo pang pinaigting ng lokal na pamahalaan ng Antipolo LGU ang kanilang mga programa kontra Dengue ngayong El Niño.

Sa inilabas na abiso ng Antipolo LGU, ang kanilang grupo partikular na ang Operation Tumba – Aksyon Kontra Dengue Team ay patuloy na nag-iikot sa mga barangay.

Layon nitong matunton ang mga lugar na pinagmumugaran ng mga lamok .

Kabilang sa kanilang binisita at ang Sitio Gumamela Phase 5 sa Brgy. Sta. Cruz.

Dito ay nagsagawa ng fogging operations at isusunod naman ang iba pang barangay sa nasabing lungsod.

Hinimok naman ng LGU ang mga residente ng Antipolo na ugaliing sundin ang 5𝗦 𝗞𝗼𝗻𝘁𝗿𝗮 𝗗𝗲𝗻𝗴𝘂𝗲.

Kabilang na rito ang Search and destroy, Self-protect, Seek early consultation, Support fogging in outbreak areas at Sustain Hydration.