-- Advertisements --

Kapwa tinalakay nina Supreme Court, chief Justice Alexander Gesmundo, at United Nations Special Rapporteur Irene Khan ang mga usapin na may kaugnayan sa Anti-Terrorism Act at judicial reforms sa Pilipinas.

Ito ay sa kasagsagan ng ginawang pagbisita ni Khan sa tanggapan ng Korte Suprema kung saan binigyan siya ng SC ng kopya ng kanilang mga tuntunin hinggil sa Anti-Terrorism Act, at iba pang mga kaugnay na batas.

Ayon kay Chief Justice Gesmundo, layunin nito na tiyaking mahahawakan nang maayos at epektibo ng hukom ang mga kaso kaalinsabay ng pagpoprotekta sa rights of people vis-a-vis prosecution against anti-terrorism.

Samantala, bukod dito ay tinalakay din nila ang desisyon ng SC kung saan idineklara nitong labag sa konstitusyon ang dalawang bahagi ng ATA.

Gayundin ang usapin hinggil sa strategic plan ng Korte para sa judicial innovations and reform, Shari’ah justice system, at marami pang iba.

Kaugnay nito ay sinabi rin ng SC na binigyang-diin ni Khan na ang karapatang pantao ay hindi maaaring umiral nang walang tuntunin ng batas.

Nasa Pilipinas si Khan upang suriin ang estado ng mga karapatan sa kalayaan ng opinyon at pagpapahayag sa bansa na inaasahan namang magtatagal hanggang sa darating na Pebrero 2, 2024.