Inihayag ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) na pinaplano nitong putulin ang 15-araw na standard processing period para sa mga kahilingan sa Freedom of Information (FOI).
Sinabi ni ARTA Director General Ernesto V. Perez sa mga na nais nilang pagbutihin ang sistema na nagbibigay sa publiko ng karapatang ma-access ang impormasyong hawak ng mga ahensya ng gobyerno at pampublikong awtoridad.
Aniya, mayroon umanong tinatawag na pagsusuri sa mga batas at regulasyon ukol dito.
Dagdag dito, ang mga pagsusuri sa regulasyon ay isinagawa bilang tugon sa mga petisyon na ipinadala ng mga grupo o indibidwal.
Binibigyang-daan ng Freedom of Information ang mga mamamayang Pilipino na humiling ng impormasyon tungkol sa mga transaksyon at operasyon ng gobyerno, at hindi naman kasama ang mga maaaring jeopardize privacy at national security ng ating bansa.