Tiniyak ng pamunuan ng pambasang pulisya na hindi maaapektuhan ang kanilang kampanyan kontra droga, kahit abala sila sa pagbibigay seguridad para sa nalalapit na May 14, 2018 Barangay at SK elections.

Ayon kay PNP Directorate for Operations (DO) chief PDir. Camillo Pancratius Cascolan may separate PNP units ang incharge sa operasyon laban sa iligal na droga, habang ang iba ay nakatutok sa pagbibigay seguridad sa halalan upang matiyak na maging maayos at mapayapa ito.

Sinabi ni Cascalon na may may mga police investigators din na naka standby para mag-iimbestiga sa ibat ibang criminal cases.

Kaya hindi maaapektuhan ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga kahit nakatutok ang PNP sa Barangay at SK elections.