-- Advertisements --

Aprubado na sa mababang kapulungan ng Kongreso ang House Bill 7393 o Anti-Financial Account Scamming Act.

Nakakuha ang nasabing panukalang batas ng 256 na affirmative votes mula sa Kamara sa isinagawang session nitong Lunes.

Layon ng nasabing panukalang batas na mabigyan ng proteksyon ang publiko laban sa mga magnanakaw ng impormasyon at pera mula sa bangko at mga electronic wallet.

Nakasaad sa nasabing panukalang batas ang pagkakaroon ng kaparusahan ng pagkakakulong ng anim na taon at multa mula P100,000 hanggang P200,000.

Habang ang mga magnanakaw ng mga impormasyon ay papatawan ng anim hanggang 12 taon na pagkakakulong at multa ng hanggang P500,000.

Sakaling sindikato ang nasa likod nito ay maituturing na economic sabotage na mayroong habambuhay na pagkakakulong at multa ng P1 milyon hanggang P5 milyon.

Kasama rin sa panukalang batas ang pagpapahintulot sa Bangko Sentral ng Pilipinas para mag-imbestiga kaugnay ng nasabing krimen.