Naglabas ang Department of Trade and Industry (DTI) ng bagong “Gabay sa Pamimili ng School Supplies” para sa School Year 2026–2027 upang tulungan ang mga mamimili na magkumpara ng presyo habang naghahanda ang mga pamilya para sa pagbubukas ng klase.
Ayon sa DTI, layunin ng price guide na magbigay ng gabay sa karaniwang binibiling gamit sa eskwela tulad ng notebooks, papel, lapis, ballpen, krayola, pambura, pantasa, at ruler.
Batay sa advisory ng ahensya:
- Notebooks (80 leaves): P13 – P52
- Spiral notebooks: P14 – P49
- Yarn notebooks: P14 – P47
- Grade pad paper: P13 – P37 bawat pad o pack
- Intermediate pad paper: P22 – P69.75 bawat pad
- Pencils: P12 – P18 bawat isa / P15 – P24 per pack
- Ballpens: P3 – P21 bawat isa / P18 – P27 per pack
- Crayons: P12 – P114 bawat kahon depende sa kulay
- Erasers: P8 – P20 bawat isa
- Sharpeners: P16 – P69
- Rulers: P8 – P32
Ayon sa DTI, ang gabay ay inilabas upang matulungan ang publiko na makapili ng abot-kayang school supplies habang tinitiyak pa rin ang kalidad at tamang label ng mga produkto.

Pinayuhan din ng ahensya ang mga mamimili na maingat na suriin ang mga label at detalye ng produkto upang makasiguro na ang bibilhin ay ligtas at akma sa pangangailangan ng mga mag-aaral.















