-- Advertisements --

Ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Miyerkules, Hunyo 10, ang dalawang bagong tayong gusaling pampaaralan sa San Francisco High School sa Barangay Santo Cristo, Quezon City, isang taon matapos itong matupok ng apoy.

Ipinagmalaki ng Pangulo ang mabilis na pagtatayo ng apat na palapag at may 36-silid-aralang gusali ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na natapos sa loob lamang ng walong buwan upang palitan ang lumang Dao Building na nasunog noong Hunyo 2025.

Binigyang-diin ng Pangulo na ipinapakita ng nasabing proyekto na kayang maaabot ang layunin kapag ang pondo ay ginagamit nang wasto at hindi napupunta sa bulsa ng mga tao.

Kasabay nito, sinaksihan din ng Pangulo ang turnover ng Henry Sy Sr. Hall, isang apat na palapag na gusali na may 24-silid-aralan na pinondohan naman ng isang kumpanya ng mall. 

Ang mga bagong estruktura ay idinisenyo upang makayanan ang lindol at nilagyan ng mga fire sprinkler system para sa kaligtasan ng may 6,800 na mag-aaral.