-- Advertisements --
image 300

Inatasan ng Vatican ang anti-sexual abuse commission nito na palawakin pa ang kampanya para maproteksyunan ang mga minor mula sa pang-aabuso.

Sa naging statement ng Vatican, magtutulungan ang Pontifical Commission for the Protection of Minors, kasama ang Dicastery for Evangelization, ang evangelization branch ng Vatican, para sa nasabing kampanya.

Kasama rin dito ang pagsasanay sa mga bishop mula sa iba’t-ibang mga bansa, na silang mangunguna sa nasabing kampanya.

Kabilang sa mga nakahanay ng programa sa ilalim nito ay ang pagtungo ng mga lider ng simbahan sa liblib na lugar, na may napapaulat na pang-aabuso na kinasasangkutan ng mga alagad ng simbahan.

Plano rin ng Vatican na kausapin ang mga napaulat na mga biktima, upang matukoy ang pattern o paraan ng pang-aabuso sa mga ito.

Ang pagtutulungan ng dalawang sangay ng Vatican para sa nasabing kampanya ay tatagal ng tatlong taon, batay sa naging aggrement ngdalawa.

Sa kabuuan nito, umaasa ang Vatican na matutulungan ang mga una nang napaulat na biktima ng pang-aabuso at pananamantala, at mapigilan ang posibilidad na pagdami pa ng mga biktima.