Hanggang ngayon todo pa rin ang pag-aantay ng Milwaukee Bucks na sana pirmahan na ng kanilang superstar na si Giannis Antetokounmpo ang kontrata sa panibagong extension.
Sinasabing aabot daw $228 million supermax extension ang nag-aantay kay Giannis at merong hanggang December 21 na lang ito.
Aminado naman ang kanyang head coach na si Mike Budenholzer at malapit na teammate na si Khris Middleton na malaking desisyon ang gagawin ni Giannis.
“It’s a big decision, ani Budenholzer. “I think the communication between he and I has been really good, really productive, fruitful.”
Ilang mga teams kasi ang puspusan din ang panliligaw upang makuha ang matamis na “oo” ng NBA MVP.
Nakabalik na raw sa Milwaukee si Giannis mula sa kanyang bayan sa bansang Greece kaugnay nang pagsisimula na ng training camp.
Sa December 22 na kasi ang pagsisimula ng bagong season ng NBA.