-- Advertisements --

Nagsama ng puwersa sina Giannis Antetokounmpo na may 38 points at Khris Middleton na nagdagdag ng 32 upang pangunahan ang Milwaukee Bucks para ilampaso ang Sacramento Kings, 128-115.

Ito na ang ikalawang sunod na panalo ng Bucks matapos ang limang magkakasunod na talo.

Mistula namang nabuhayan ng loob si Giannis na bumabalik na ang kanilang pagiging agresibo at pagsunod sa tamang plays.

Nagpakita rin naman si Antetokounmpo ng 18 rebounds upang ipatikim ng Bucks (18-13) sa Kings sa ikapitong magkakasunod na talo.

Samantala sa kampo ng Kings (12-18), nanguna naman ang rookie guard na si Tyrese Haliburton, na may 23 points at si DaQuan Jeffries ay nagtapos ng 18.