Patuloy na bumababa ang antas ng tubig sa mga dam sa bansa sa loob na ng 2 buwan sa gitna ng nagpapatuloy na epekto ng El Niño phenomenon.
Base sa monitoring ng state weather bureau kaninang umaga, ang antas ng tubig sa mga dam na naobserbahang bumaba ang antas ng tubig ay sa Angat dam na nasa 202.47 meters ngayong araw ng Miyerkules, gayundin sa La Mesa dam na bahagyang bumaba din sa 75.72 meters, Ambuklao dam mula 747.49 bumaba sa 747.36 m, San Roque – 238.26 m, Pantabangan (from 182.09 m to 181.80 m) , Magat dam (mula 172.00 m sa 171.99 m) at Caliraya dam mula 286.82 m sa 286.67 m.
Samantala nakitaan naman ng pagtaas sa antas ng tubig sa Ipo dam at Binga dam.
Ang kasalukuyang antas ng tubig sa mga nabanggit na dam ay mababa na sa kanilang Normal High Water Levels sa gitna ng mainit na lagay ng panahon at mas mataas na pagkonsumo ng tubig.