Tumaas ang antas ng tubig sa Angat dam sa mahigit 191 meters dahil sa patuloy na pag-ulan dala ng nagdaang bagyong Egay at hanging habagat.
Ayon kay Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) division manager Engr. Patrick Dizon na tumaas din ang lebel ng tubig sa Ipo at La Mesa dam ng hanggang 101.05 meters at 79.57 meters.
Aniya nasa 90% ng tubig ay nanggagaling sa tatlong dam na sinusuplay sa mga residente sa Metro Manila, Cavite, Rizal at Bulacan area.
Sa kabila nito, ayon sa opisyal na hindi pa sapat ang kasalukuyang antas ng tubig sa Angat dam para sa paghahanda ng capital region para sa posibleng epekto ng El Nino phenomenon.
Kung saan inaasahang magtatagal ang dry spells at tagtuyot hanggang sa unang quarter ng 2023 base sa projections ng state weather bureau.
Kayat target aniya sa katapusan ng 2023 na maitaas pa sa 210 hanggang 212 meters ang antas ng tubig sa Angat dam.
Base naman aniya sa historical elevation ng mga dam, kapag ganitong mga buwan ng Agosto at Setyembre ay tumataas ang antas ng tubig sa mga reservoir kayat tinitipid ang pagpapakawala ng tubig sa Angat dam upang makayanan ang epekto ng El Nino sa susunod na taon.