
Patuloy ang pagbaba ng antas ng tubig ng Angat dam at limang iba pang dams sa Luzon sa kabila ng naranasang pag-ulan sa maraming lugar sa bansa.
Ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration kahapon, ang antas ng tubig sa angat dam sa Bulacan ay bumaba sa 186.55 meters mula sa nakalipas na 186.78 meters na lebel ng tubig.
Nasa 3.97 meters na mas mataas ang kasalukuyang antas ng tubig sa dam kumpara sa rule curve elevation nito na 182.58 meters para matugunan nito ang pangangailangan sa tubig sa mga sinusuplayan nito gaya ng Metro Manila,
Ayon naman kay National Water Resources Board (NWRB) executive director Sevillo David Jr. tinatayang nasa isang million connections ang maapektuhan ng rotational water interruptions sa oras na magpaso ang 52 cubic meters per second na alokasyong tubig ng dalawang concessioner sa Metro Manila.
Samantala maliban sa angat dam, bumaba dina ng antas ng tubig sa Ipo dam sa Bulacan na nasa 99.05 meters.
Ang antas naman ng tubig sa Binga dam sa Benguet ay bumaba sa 571.42 meters habang sa Pantabangan dam naman ay bumaba pa sa 183.37 meters.
Sa Magat dam naman sa Isabela, bumaba sa 168.10 meters, ito ay 0.36 meters na pagbaba kumpara sa nakalipas na antas ng tubig na 168.46 meters sa nakalipas na araw.
Gayundin nakitaan din ng pagbaba sa antas ng tubig sa Caliraya dam sa Laguna na nasa 286.17 meters.










