-- Advertisements --

Inamin ni Interior Secretary Eduardo Año na dalawang beses siyang sumailalim sa surgery habang noong siya ay naka-medical leave matapos na makaranas ng mga komplikasyon sa kanyang unang heart operation.

Pero sa kabila nito, sinabi ng kalihim na maayos na ang kanyang kalagayan ngayon.

Bagama’t recovering pa rin aniya siya, sinabi ni Año na “fit to work” na rin naman siya sa kasalukuyan.

Enero nang maghain ng leave of absence si Año alinsunod na rin sa abiso ng kanyang mga doktor na maghinay-hinay at pansamantalang magpahinga sa mga stressful activities.

Ilang beses na pinalawig ni Año ang kanyang medical leave mula noong Pebrero at Marso.

Magugunita na dalawang beses na nagpositibo sa COVID-19 si Año noong 2020, una noong Marso at pangalawa noong Agosto.