-- Advertisements --

Mahalaga umano para kay Taiwanese President Tsai Ing-wen na maipakita sa buong mundo ang kanilang determinasyon at mga hakbang upang protektahan ang kanilang bansa.

Sinabi ito ng Taiwanese president habang isinasagawa ang taunang Hang Kuan Military Exercise.

Kabilang sa naturang large-scale drills na ito ang Army, Navy at Air Force na tatagal ng isang linggo.

Ayon sa Taiwanese Defense Military, halos 16 na beses na umano nilang nakikita na lumilipad sa himpapawid ng Tiwan ang military jets mula China.

Nagpahayag naman ng pagkabahala si Taiwan’s Foreign Affairs Minister Jospeh Wu dahil tila sinusubukan daw ng China na palitan ang status quo ng naturang bansa.