-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Inaabangan na ng maraming mga taga United Kingdom ang magiging anunsiyo ni Queen Elizabeth II kung sino ang susunod na mauupo sa trono kasabay ng selebrasiyon ng ika-70th anniversary of the accession of the Queen .

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Girlie Gonito mula sa London, sinabi niya na tampok sa Platinum Jubilee ang iba’t ibang banda at sikat na foreign artist tulad ni Ed Sheeran, Elton John, Paul McArtney at iba pang British actresses at aasahan ang parada sa kalsada papunta sa Buckingham Palace.

Maliban sa UK ay mayroon ring simultaneous activities o pagdiriwang sa Queensland, New Zealand, Australia at Canada kung saan ipinapakita ang historical jubilee ligthing of the candle.

Kabilang sa pinaka aabangan ng mga manonood ang Royal Ascot at concert tampok ang mga british artist at singer.

Kung pagbabasehan ang pulso ng mga Briton ay marami ang pabor sa pag-upo sa trono ni Prince William kumpara kay Prince Charles dahil sa kinasangkutang kontrobersiya tulad ng pag-divorce nito kay Princess Diana at pagpapakasal kay Camila Parker Bowles na isang diborsiyada.

Samantala, nakiisa rin ang Bansang Australia sa pagdiriwang ng Platinum Jubille ni Queen Elizabeth II bilang isa sa mga bansang miyembro ng Commonwealth regime.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Denmark Suede na “Queen Elizabeth of Australia” ang Official Title ng Reyna ng England sa naturang Bansa kung saan nakalagay rin sa pera ng Australia ang mukha ng reyna maging sa pasaporte.

Batay sa kasaysayan ang Longest Reigning Monarch sa kasaysayan ng mga British Monarch na kung tawagin ay House of Windsor.

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ay ang pagpapalipad ng mga eroplano ng Australian Airforce bukod pa sa pagpapailaw ng Purple sa Sydney Harbour Bridge at ibat ibang landmarks bilang pagpapakita ng paggalang s Reyna.

Tulad sa London ay inaabangan rin ng Maraming Australians announcement ni Queen Elizabeth at kung sino ang papalit sa kanyang trono.

Matatandaang matunog ang usap usapang si Prince William ang napipisil ng karamihan upang maupo sa trono kumpara sa kanyang ama na Prince Charles gayunman ang masusunod pa rin ay ang Law of succession kung saan ang panganay na anak ang siyang mailuluklok at susunod na mamumuno.