Iniulat ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) ang nalalapit nang pagkakumpleto ng anim na fish port sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Batay sa datus ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA), ang anim na regional ports ay inaasahang makakatulong para sa mas maayos na pagdadala o paghahatid ng mga isda sa mga konsumer.
Una rito ay ang Davao Fish Port Complex na 95.51% nang nakumpleto.
Pangalawa ay ang Iloilo fish port complex. Sa kasalukuyan ay nasa 84.69% na itong kompleto.
Pangatlo ay ang Sual fish port sa Pangasinan. Ito ay tinatayang nasa 74.51% na.
Pang apat ay ang Camaligan fish port sa Camarines Sur na kasalukuyan nang nasa 42.24%.
Panglima ang Zamboanga fish port complex na nasa 40.20
Panghuli ang ay ang patuloy na rehabilitasyon sa Navotas fish port na napapakinabangan ng mga mangingisda at mga traders sa Metro Manila at mag karatig probinsya.