-- Advertisements --

NAGA CITY – Muling inalala ng mga residente at mga opisyal ang anibersaryo ng “killer landslide” sa kasaysayan ng Sagnay, Camarines Sur dahil sa Bagyong Usman noong nakaraang taon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Kapitan Zaida Baron, sinabi nitong sinimulan ang programa sa isang banal na misa sa mismong Chapel ng Barangay Patitinan.

Ayon kay Baron, muli ring pinuntahan ng mga opisyal, at mga residente ang mismong landslide area kung saan nagkaroon ng blessing ang pari.

Aniya, inabutan din ng tulong ni Mayor Jovi Fuentebella para sa pamilya ng mga namatayan ngunit isang pamilya aniya ang hindi dumating dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa nito matanggap ang pagkamatay ng siyam na anak at asawa na natabunan ng lupa.

Aminado man si Baron na bagamat isang taon na ang nakalipas, masakit parin aniya para sakanya ang naturang trahedya.

Kung maaalala, 34 katao ang namatay sa naturang barangay matapos matabunan ng gumuhong lupa habang 12 iba pa ang hindi na talaga nahanap ang bangkay.