-- Advertisements --

Hindi kumbinsido si House Committee on Transportation chairperson at Antipolo City Rep. Romeo Acop na alisin ang posibilidad na cyber attack ang dahilan ng air traffic shutdown noong New Year’s Day.

Sinabi ni Acop hindi siya sang-ayon sa pahayag ng mga opisyal ng transportasyon at aviation na nagpasiya na malabo ang isyung cyber attack sa nangyaring technical glitch.

Sa pagtatanong sa mga resource person, nabanggit ni Acop na ang log ng system ay hindi pa nasusuri nang lubusan at hindi pa nae-examine ang data at logs.

Dahil dito nakita ng mambabatas na na mahina ang defense system at maintenance system ng CAAP sa critical equipment.

Nagpahayag ng pagkabahala si Acop tungkol sa posibilidad na manipulahin ng mga terorista ang Communications, Navigation and Surveillance Systems for Air Traffic ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Dagdag pa ng mambabatas na dating police officer teorya ni Congressman Tambunting, maaari silang masira sa core ng CNS/ATM system at magdudulot ito ng kaguluhan kapag napasakamay ito sa terorista dahol guguluhin nito ang Pilipinas may posibilidad na pagbabanggain niya ‘yung dalawang eroplano sa ere.

Inihayag naman ni Harry Nuske ng Thales na ang kontrata ng kaniyang kumpanya sa CAAP ay nag-expire noong 2020 at simula noon hindi na nagbigay ng anumang update si Thales sa software ng air traffic system ng CAAP.

Sa kabilang dako, aminado ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na hindi pa nila masabi kung nagkaroon ng cyberattack sa CNS/ATM system ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), dahilan para ito ay magka aberya.

Dagdag pa ng DICT Cybersecurity Bureau, pinakamabilis na ang anim na linggo o hanggang Pebrero para matapos ang kanilang forensic investigation.