-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ng singer-actress Angeline Quinto ang pagsilang ng kaniyang anak.

Sa kaniyang social media account ay ipinakilala nito ang bagong silang na baby boy na pinangalanang Sylvio.

Nagbahagi ito ng larawan ng digital clock na nagpapakita ng oras at petsa ng pagsilang ng anak.

Ipinakita rin ng 32-anyos singer-actress ang larawan ng non-showbiz boyfriend na tinitignan ang bagong silang na anak.

Magugunitang noong Disyembre 2021 ay inanunsiyo ng singer-actress na ito ay buntis mula sa hindi na pinangalanang non-showbiz boyfriend.