-- Advertisements --

Ibinahagi ng actress na si Angelica Panganiban ang ginawang marriage proposal ng nobyong si Gregg Homan.

Isinapubliko ng actress ang proposal ilang linggo matapos na isilang nito ang anak nila na si Amila Sabine.
Naganap ang proposal noong apat na buwan na buntis pa lamang ang actress sa isang beach trip ng dalawa.

Sa social media ng dalawa ay nagpost ang mga ito ng larawan ng kanilang proposal.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa mga malapit na kaibigan at kapwa artista matapos ang paglabas ng proposal video.

Nagsimula ang kanilang relasyon noong 2021 at nitong Marso ay inanunsiyo ng actress ang pagbubuntis noong Marso.

Isinilang ang unang anak ng dalawa noong Setyembre 29.