-- Advertisements --

Tiniyak ng National Water Resources Board (NWRB) na sapat ang supply ng tubig sa Angat Dam hanggang sa sumapit ang rainy season.

Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David Jr., inaasahan ngayon ng Pagasa na on time ang pagsisimula ng tag-ulan ngayong taon kumapara noong 2019 nang magkaroon ng El Niño sa Pilipinas.

Nitong araw lang, sinabi ni David na ang lebel ng tubig sa Angat Dam ay nasa 195.97 meters.

Ito ay 15 metro na mas mataas sa minimum operating level ng Angat Dam na 180 meters.

Samantala, magmula aniya noong Marso ay nagsagawa na ang Pagasa at Metropolitan Waterworks and Sewerage Sytem (MWSS) ang cloud seeding.

Pero dahil minsan lamang aniya nagkakaroon ng ulap ay kanilang itinigil ito at ipagpapatuloy na lamang sa ikatlong linggo ng Abril.