Humingi ng paumanhin si Ang Probinsyano party-list Rep. Alfred Delos Santos sa waiter na kanyang sinuntok sa isang insidente sa restaurant noong Hulyo 7.
Sa isang statment, sinabi ni Delos Santos na humihingi siya ng patawad kay Christian Kent Alejo, maging sa pamilya nito, sa kanyang inasal.
“I have no excuse, only regret and the promise that it will not happen again. This single incident does not represent me or my values, and I will prove it by working hard to deliver our party platform and campaign promises to fellow probinsyanos, and from hereon conduct myself as an exemplary public servant worthy of the trust and confidence our people placed on us last election,” saad ng bagitong kongresista.
Sinabi nitong hindi raw siya dapat nagpadala sa kanyang damdamin noong mga panahon na ito.
“I am not a bully or a troublemaker…The people who know me well can attest to that,” bahagi ng statement nito.
Humihingi rin ng paumanhin ang kongresista sa kanyang “Ang Probinsyano family” at mga kasamahan sa Kongreso.
Batid daw niya ang pagkadismaya ng mga ito, at handa raw siyang tanggapin anuman ang magiging desisyon sa kanyang nomination sa kanilang party-list.
Nakipag-ugnayan na raw siya kay Alejo kahapon, Hulyo 11, para personal na humingi ng pasensya.
“I am deeply grateful that they properly received me and accepted my apology. Out of this humbling experience, I have not just learned a lesson, but I also gained a new friend who made me understand the meaning of humility and self-restraint,” dagdag pa nito.