-- Advertisements --

Ipinagkibit balikat na lamang ni Andrea Brillantes ang mga batikos na kaniyang natatanggap.

Sinabi ng actress na sanay na ito sa ilang taon na niya sa showbiz.

Wala rin itong panahon para patulan pa ang mga bashers niya.

Dagdag pa nito na sa 10 taon na niya sa industriya ay hindi na ito naapektuhan sa anumang batikos na kaniyang natatanggap.

Ginagawa na lamang nito ngayon ay nililimitahan na niya ang pagiging aktibo sa social media para maiwasan ang bashers.