-- Advertisements --
Tuluyan ng nagretiro sa paglalaro ng basketball si Andre Paras.
Kinumpirma ni Blackwater team owner Dioceldo Sy kung saan naglalaro si Paras ang pagreretiro nito.
Nais kasi nitong ituon ang panahon sa kaniyang acting career.
Pinasalamatan naman ni Paras ang kaniyang mga nakasama sa koponan ng ilang taon na paglalaro nito.
Ang 6-foot-4 na si Paras ay naging 27th overall ng Bossing Blacwater noong 2020at naglaro ng dalawang conference.
May average ito na 1.60 points at 1.30 rebounds noong 2021 Philippine Cup.