-- Advertisements --
Labis ang kalungkutan ni NBA legend Scottie Pippen matapos ang pagpanaw ng panganay na anak nitong lalaki na si Antron sa edad na 33.
Sa kaniyang social media account ibinahagi na naging bonding nilang mag-ama ay ang paglalaro ng basketball.
Kung hindi lamang siya nagkaroon ng chronic asthma ay maaaring nakapaglaro na ito sa NBA.
Naglaro ang anaki ntio sa Texas A&M International University.
Hindi na nagbigay pa ng kadahilanan sa pagpanaw ng anak nito.
Si Antron ay anak ng dating Chicago Bulls star sa asawang si Karen McCollum na ikinasal niya noong 1988 subalit naghiwalay sila matapos ang dalawang taon.