Labis ang kasiyahan ng anaki ni dating PBA star at ngayong ay Bulakan, Bulacan Mayor Vergel Meneses matapos na makasali ito sa Miss Philippines Earth Pageant.
Sa kaniyang Instagram account nagpost si Roni Meneses ng kaniyang larawan at sabay na inanunsiyo na napili itong magrepresent ng Mandalayong City para sa Miss Philippines Earth.
Hindi bago sa beauty contest si Roni dahil nagwagi na ito bilang Miss Mandaluyong noong 2020.
Bilang kandidata ng MIss Philippines Earth ay isinusulong nito ang environmental vegatarianism.
Nagtapos siya ng BS Clothing Technology sa UP Diliman kung saan abala rin ito ngayon sa kaniyang sarling clothing brand na RM Couture at RM Kitchen.
Kasama sa kaniyang IG post ang pasasalamat sa pamilya at mga kaibigan na sumuporta sa kaniyang pagsali sa pageant kung saan gaganapin ang coronation sa Hulyo 25.