-- Advertisements --
Nanawagan ang anak ng music icon at The Beatles member John Lennon na si Julian sa mga world leaders na tulungan ang Ukraine.
Sa unang pagkakataon rin ay kinanta rin nito ang sikat na kanta ng ama na “Imagine”.
Sa loob lamang ng ilang araw ng ilabas ito sa music sharing platform na YouTube ay nakakuha na ito ng ilang milyong views.
Dagdag pa nito na mapapakinggan sa kanta ang panawagan ng pagkakaisa at ang pagtigil ng mga kaguluhan.
Ang nasabing kanta ay inilabas ni Lennon noong 1971 na isa sa pinakamatagumpay at sikat na kanta ng kaniyang solo career bago tuluyan itong ma-assasinate noong Disyembre 8, 1980.
Si Julian ay anak ni John sa unang asawa na si Cynthia Powell.