Justin Batocabe

LEGAZPI CITY – Nag-backout na bilang nominee ng AKO Bicol Party-list si Atty. Justin Batocabe.

Ito ay sa kabila ng magandang ranking ng party-list group sa nagpapatuloy na bilangan ng boto sa midterm polls.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi si Batocabe, pinasalamatan nito ang mga supporters ng kanilang party-list group.

Sinabi nito na ipapaubaya na lamang niya ang kanyang posisyon kay AKO Bicol Chairman Emeritus at Founder Elizaldy Co, na mas magpapalakas pa raw ng kanilang party-list group.

Tumanggi naman din ito na maglahad pa ng kanyang mga dahilan kung bakit umatras bilang nominee ng AKO Bicol party-list.

Si Justin ay anak ng pinaslang na si Cong. Rodel Batocabe at ng natalo sa mayoralty race sa bayan ng Daraga, Albay na si Gertie.