-- Advertisements --
Labis ang pasasalamat ng komediyanteng si Ai Ai delas Alas matapos na nakaligtas ang anak nitong si Sean Nicolo sa aksidente sa Amerika.
Sa kaniyang Instagram, itinuturing ng actress na isang milagro ang pangyayari dahil walang anumang galos na natamo ang anak ng mabiktima ng hit-and-run.
Nahulog pa aniya sa bangin ang sasakyan at laking pasalamat dahil hindi ito nasaktan.
Ibinahagi rin ng actress sa kaniyang social media account ang mga larawan mula sa aksidente.