-- Advertisements --
GettyImages 82880353 064135cb483940ff9230420d095b6d31

Nagbigay ang securities and Exchange Commission (SEC) ng huling pagkakataon sa mga korporasyon na non-compliant, sinuspendi o ni-revoke na makapag-avail ng amnesty program para sa mas magaang parusa at multa.

Ito ay matapos na palawigin pa ang deadline para sa mga korporasyon na maghain ng amnesty application at isettle ang kanilan amnesty fees hanggang sa Disyembre 31, 2023 sa bisa ng inisyung SEC Memo. Circular No. 20 series of 2023.

Sa ilalim ng anesty program, mabibigyan ng deduction ng penalties ang mga korporasyon na napatawan ng penalties dahil sa late at hindi paghahain ng kanilang General Information Sheet, annual financial statements at official contact details.

Maaaring -avail ang amnesty program ang mga korporasyon sa pamamagitan ng pag-accept ng Expression of Interest form ng kanilang SEC Electronic Filing and Submission Tool (eFAST) accounts.

Ang pagsusumite ng lahat ng requirements ay tatanggapin hanggang Enero 31, 2024 basta’t naghain ang kompaniya ng expression of interest nito bago ang Disyembre 31.