Hinimok ng dating commissioner ng presidential Commission on Good Government (PCGG) ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) na magsagawa ng imbestigasyon laban sa pamilya ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Ayon kay former PCGG commissioner Ruben Carranza, maaaring mag-initiate ang pamahalaan ng money laundering probe kaugnay ito sa naging desisyon ng Supreme cdourt na kumikilala sa malaking halaga ng ill-gotten wealth sa panahon ng dating Pangulong Marcos.
Base aniya sa Anti-Money Laundering Act of 2001, natukoy ang graft and corruption at plunder bilang isa sa unlawful activities kung saan nanggaling ang perang ginagamit para sa laundering.
Magugunita na noong taong 2003, idineklara ng SC na nasa mahigit P25 billion sa assets ng dating Pangulong Marcos at dating first lady imelda Marcos ang ill-gotten na hindi tumutugma umano sa kanilang sahod bilang government officials mula 1966 hanggang 1985.