-- Advertisements --

Sinabi ng mga mambabatas mula sa majority at minority blocs na posibleng makasama sa depensa ni VP Sara Duterte ang ulat ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na nag-flag ng halos P6.8 bilyong transaksyon na kaugnay umano niya at ng kanyang asawa.

Ayon kay Rep. Chel Diokno, malaki ang agwat ng AMLC findings sa idineklarang yaman ng Bise Presidente sa kanyang SALN na nasa P88.5 milyon lamang, kaya tinawag niya itong posibleng “smoking gun” sa impeachment case.

Binanggit din ng ilang kongresista na hindi ordinaryong bank records ang mga ito dahil may daan-daang covered at suspicious transactions na naitala, kabilang ang account ng asawa ni Duterte na si Atty Manases Carpio.

Nanawagan din ang ilang mambabatas ng mas malalim na imbestigasyon at pagsusuri sa kakayahan ng AMLC na bantayan ang malalaking financial transactions ng mga opisyal ng gobyerno. (Report by Bombo Jai)