-- Advertisements --

Pumanaw na ang American singer na si Jill Sobule sa edad na 66.

Ayon sa kampo nito, hindi na nakalabas ang singer sa nasusunog nitong bahay.

Nakilala ang singer pumatok nitong kantang “I Kissed a Girl” noong 1995 mula sa kaniyang self-titled album.

Ang nasabing kanta ay siyang unang openly LGBTQ-themed song na nakapasok sa Billboard Top 20.

Sinundan ito ng isa pang patok na kanta niyang “Supermodel” na ginamit sa 1995 na pelikulang “Clueless”.

Sa loob ng tatlong dekada nitong karera ay nakagawa siya ng 12 albums kung saan ang mga kanta ay tumatalakay sa death penalty, eating disorder at LGBTQ+ issues.