-- Advertisements --
Nakatakdang i-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang isang American pedophile na naaresto kamakailan sa Pangasinan.
Hulyo 29 nang arestuhin ng Fugitive Search Unit ng BI si James Austin Holiday, 65, sa Lingayen, Pangasinan.
Ayon kay Immigration Chief Jaime Morente, ang pagkaka-aresto kay Holiday ay kasunod ng sumbong ng US Embassy sa Manila hinggil sa presensya ng naturang pedophile sa bansa.
Nabatid na wanted si Holiday dahil sa dalawang bilang ng first degree child molestation sa Missouri, USA.
Nauna nang binawi ng US government ang passport ni Holiday, kaya maituturing itong undocumented alien sa Pilipinas.