-- Advertisements --

Patuloy ang paggawa ng kasaysayan sa World Artisticis Gymnastice Championships ni American gymnast Simone Biles.

Nagwagi kasi ang 26-anyos na si Biles sa women’s individual all-around final nitong Biyernes.

Ito na ang pang-21 na world championship gold medal ni Biles.

Pumangalawa sa kaniyang puwesto sa nasabing kumpetisyon si Rebecca Andrade ng Brazil at pangatlo naman si Shilese Jones ng US.

Dahl aniya sa pagwagi nito ng gold ay maituturing na siya ang most decorated female at male gymnast at nalampasan ang record ni Belarusan Vitaly Scherbo na mayroong 33 overall medals sa Olympics at world championships.

Nagwagi na si Biles ng gold medal sa 2023 world championships kung saan nakatakda itong sumabak sa Sabado sa women’s vault and uneven bars finals.