Nag-emergency landing sa Denver International Airport sa Colorado, USA ang isang American airlines jet matapos itong lumiyab.
Makikita sa mga kumalat na video ang makapal na usok na umaabot mula sa eroplano, kaya’t agarang tumugon ang mga emergency services.
Ang flight, na mula sa Colorado Springs patungong Dallas-Fort Worth, ay inilipat sa Denver dahil sa problema sa makina.
Pagdating sa paliparan, tila nagliyab ang eroplano na nag gulot ng makapal na usok ligtas namang nailabas ang mga pasahero ng eroplano.
Ayon sa American Airlines lulan ng naturang eroplano ang nasa 172 pasahero at 6 na crew members na inilipat na sa terminal.
‘Wala pang pahayag ang U.S. Federal Aviation Administration (FAA) o American Airlines ukol sa insidente, at wala ring tugon ang Denver International Airport tungkol sa insidente.